Sam Arinto
Just your typical female romcom protagonist—living, laughing, and loving with a knack for journalism.
Nakadikit sa ‘The Flor Contemplacion Story’ ang mga pinakamalalaking pangalan sa industriya at pinakamahuhusay – panulat nina Ricky Lee at Bonifacio Ilagan, sinamahan pa ng actingan nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Vina Morales, at pinakalitaw ang papel ni Romel Vitug, bilang ang sinematographer. Sa literal at metaporikal na antas, nagbibigay-liwanag ang pelikula sa kompleksidad ng mga babaeng karakter at kanilang mga sitwasyon sa gitna ng lipunang pilit silang pinagtutunggali sa isa’t isa.
Puso pa rin ng teatro ang tumitibok sa ‘Isang Himala.’ Sa kabila ng mga pagbabagong matapang nitong sinuong, nananatiling maingat, makatwiran, at makabuluhan ang muli nitong paglalathala ng kwento ng Cupang.